Mga Binhing Pananim na Gulay, ipinamahagi ng Alfonso Cavite LGU sa kanilang mga residente

Namahagi ang Local Government Unit of Alfonso Cavite ng mga binhing pananim para sa bawat residente sa kanilang bayan.

Makakatulong ang mga nasabing binhi ng pananim ng gulay sa bawat sambahayan sa kanilang lugar para magkaroon ng gulayan sa kanilang bakuran.

photo credit: Mayor Randy Salamat


Ang proyektong ito ng lokal na pamahalaan ng Alfonso na Binhi para sa Pamayanan ay isang Community based plant project na inisiyatibo ng mga opisyal Alfonso Municipal Agriculture Office katuwang ang grupong Luntiang Republika para matulungan ang mga residente sa kanilang bayan na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa Covid 19 pandemic.


Pinasalamatan naman ni Alfonso Cavite Mayor Randy Salamat ang mga opisyal sa kanilang bayan na tumulong at sumuporta sa programang ito para sa kapakanan ng mga residente nila sa kanilang bayan. 

Ulat ni Jet Hilario

Please follow and like us: