Mga Business establishment sa Tagaytay City, obligadong magsara ng isang araw sa isang linggo para sa disinfection


Ipinasasara tuwing araw ng Lunes ng City Government ng Tagaytay City ang ilang mga pangunahing establisimyento sa lunsod para magsagawa ng general cleaning at disinfection.

Batay sa City Ordinance No. 2020-407, kasama sa mga establisimyentong ito ay mga Restaurants, Hotels, Pamilihang Bayan, Groceries, Supermarket, Mall, Amusement at Theme parks, Spa at Wellness clinic.

Ang mga establisimyentong mapapatunayang hindi susunod sa anunsyong ito ay papatawan ng mga sumusunod na parusa:


Unang paglabag – 1 linggong pagsasara 
Ikalawang paglabag – 1 buwang pagsasara


Umaasa naman ang mga opisyal mula sa Tagaytay City na susundin ito ng mga business owners and manager sa lungsod para mapanatili ang kalinisan at maging ligtas sa Covid-19 ang mga local at foreign tourist na magtutungo sa lunsod.

Jet Hilario

Please follow and like us: