Mga Cabinet members na nakahalubilo ni DILG Sec. Eduardo Año, naka-self quarantine na

Kani-kaniyang quarantine na ang ilang miyembro ng Gabinete na nagkaroon ng contact kay DILG Secretary Eduardo Año.

Ito’y matapos aminin ni National Task Force Against covid 19 Vice Chairman at DILG Secretary Eduardo Año na muli siyang nagpositibo sa Covid-19 batay sa swab test result matapos siyang makaramdam ng mga sintomas isang araw matapos siyang dumalo sa isang aktibidad sa Antipolo City.

Nakasama ni Año sa Antipolo event sina Health Secretary Franciso Duque III, Testing Czar Secretary Vince Dizon, Labor Secretary Silvestre Bello III, mga opisyal ng TESDA at ilang lokal na opisyal ng lalawigan ng Rizal.

Nag-abiso na ang mga cabinet officials na nakasalamuha ni Secrtary Año na tuloy ang pagtupad ng kanilang tungkulin sa pamamagitan ng virtual management habang sumasailalim sa self -quarantine.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us: