Mga Community pantry, itinayo rin sa ilang lugar sa Caloocan city

Nagsulputan na rin ang mga Community Pantry sa ibat-ibang lugar sa Caloocan city.

Ilan sa mga commuity pantry ay matatagpuan sa Morning Breeze Subdivision, Saranay Road, Bagumbong at Barangay 175 Camarin.

Nakasulat sa mga karton ang mga katagang ” Maaaring kumuha ang sinuman nang sapat ayon sa kanilang pangangailangan at maaari ring magbigay ayon sa kanilang kakayahan”

Ayon kay Mayor Oca Malapitan, hindi ito kakayaning mag-isa ng gobyerno. Kailangan anya ang bawat isa sa makabagong bayanihan sa gitna ng Pandemya.

Isa rin umano itong halimbawa ng pakikibaka at pagtutulungan sa pagitan ng mga mamamayan at paghahanap ng solusyon upang maibsan ang hirap sa pamamagitan ng kolektibong aksyon at pagtitiwala sa kapwa.

Edison Domingo Jr., EBC Correspondent

Please follow and like us: