Mga Dumagat sa NPC Sitio Dike Angat Dam Norzagaray, Bulacan tumanggap ng ayuda

Nagsagawa ng relief operation ang ilang pribadong kompanya sa NPC Sitio Dike Angat Dam, Norzagaray, Bulacan.

Sa pakikipagtulungan ng Excel Sum Property Solutions Inc.(EPSI), PNP, AFP 48th Infantry Battalion at NCR Battalion, namahagi ng relief packs na naglalaman ng bigas, noodles, corned beef, gatas toothbrush, faceshield at iba pa, sa mga kababayan nating Dumagat.

Layon ng naturang proyektong na matulungan ang mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo at naapektuhan ng pandemya.

Kabilang na tumulong at nagkaloob ng mga donasyon ay ang Asian actress na si Ana Ajalandoni at Renard Masongsong, senior Division Manager and External Affairs head ng EPSI.

Ulat ni Gilian Elpa

Please follow and like us: