Mga empleyado sa Comelec main office balik trabaho na ngayong araw

Balik trabaho na ang mga empleyado sa main office ng Commission on Elections matapos ang nangyaring sunog sa kanilang gusali noong Linggo.

Sa isang memorandum na pirmado ni Comelec Executive Director Bartolome Sinocruz Jr., nakasaad na ang mga empleyado na ang opisina ay nasa ground, ika-7 at 8 palapag ng Palacio del Gobernador ay balik trabaho na.

Para naman sa mga Senior Citizens; Persons with Disabilities; may Co-Morbidities at buntis na empleyado at opisyal ay paiiralin ang work-from-home scheme.

Para naman sa mga nag-oopisina sa ika-5 palapag, work-from-home parin muna sila.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us: