Mga first- at second-level courts sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Levels 1 at 2, maaari pa ring magsagawa ng videocon hearings

Inilabas ng Office of the Court Administrator ang mga panuntunan sa mga operasyon ng mga first- at second-level courts simula ngayong araw, December 1.

Para sa mga hukuman na nasa ilalim ng Alert Levels 1 at 2, pinapayagan pa rin ang mga judge na magdaos ng mga pagdinig sa pamamagitan ng videoconferencing.

Hindi naman dapat bababa sa 75% hanggang 100% ang mga court personnel sa mga nabanggit na korte mula Lunes hanggang Biyernes habang 50% hanggang 75% ang skeleton workforce kapag Sabado.

Para sa mga korte na nasa ilalim ng Alert Level 3 o GCG at MGCQ, dapat ay nasa 50% hanggang 75% lang ang mga tauhan na kailangang pumasok ng pisikal at 30% to 50% workforce kapag Sabado.

Hindi pa rin pinapayagan ang night courts sa lahat ng alert level at community quarantine classifications.

Moira Encina

Please follow and like us: