Mga first batch na nabakunahan noong Abril sa QC, tumanggap na ng kanilang second dose

Nagpapatuloy ang pagbabakuna ng second dose sa mga unang batch ng mga nasa priority list o A2 to A3 group sa Quezon City gamit ang bakuna ng Sinovac.

Ang mga ito ay una nang tumanggap ng bakuna noong Abril.

Kabilang sa mga tumanggap ng bakuna ay mga Senior Citizen, Person with Comorbidity at natitira pang nasa A1 priority group o mga Medical frontliner.

Isa ang Esteban Abada Elementary School sa District 1 na pinagdarausan ng Vaccination program.

Bago mag-alas-8:00 ng umaga kanina ay binuksan na ang site at sinimulan na rin ang pagbabakuna dahil marami na ang nakapila.

Please follow and like us: