Mga frontliner ngayong panahon ng COVID- 19 pandemic itinulad ni Pangulong Duterte sa kabayanihan ni Dr. Jose Rizal

Inihalintulad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kabayanihan ni Dr. Jose Rizal ang sakripisyo ng mga frontliners sa pakikipaglaban sa pandemya ng COVID- 19.

Ito ang laman ng mensahe ni Pangulong Duterte sa pagdiriwang ng ika 124 na anibersaryo ng kamatayan ni Gat Jose Rizal.

Ayon sa Pangulo ang mga frontliner laban sa COVID 19 ay maituturing na mga makabagong Rizal dahil sa kanilang saripisyo para sa bayan.

Inihayag ng Pangulo sa panahon ng pandemya nakikita ang pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat Pilipino para makalaya ang bansa sa pandemya ng COVID 19.

Sinabi ng Pangulo tulad ni Rizal ang mga frontliner ay mga makabagong bayani na nagmamahal din sa inang bayan.

Vic Somintac

Please follow and like us: