Mga hindi nagsusuot ng face mask, pinaaaresto ni Pangulong Duterte

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Pulisya na higpitan na ang pagpapatupad ng pagsusuot ng face mask sa bansa.

Sa kanyang regular Talk to the People marami pa ring mamamayan ang matitigas ang ulo at hindi sumusunod sa pagsusuot ng face mask.

Ayon sa Pangulo, maging ang mga nagsusuot ng face mask na labas ang kanilang ilong ay kailangang na disiplinahin.

Inihayag ng Pangulo dapat arestuhin at dalhin sa presinto ang mga lumalabag sa pagsusuot ng face mask at maaari silang idetine ng hindi lalagpas sa reglementary period.

Nababahala ang Pangulo sa pagkalat pa ng COVID 19 dahil sa pagpasok sa bansa ng mga bagong variant na mabilis makahawa.

Naniniwala din ang Pangulo na habang isinasagawa ang pagbabakuna ay kailangang mahigpit na sundin parin ang ipinatutupad na standard health protocol na Mask Hugas Iwas.

Vic Somintac

Please follow and like us: