Mga hukuman sa NCR maliban sa SC, pisikal na sarado pa rin habang MECQ

Mananatiling pisikal na sarado ang mga korte sa Metro Manila sa panahon ng MECQ maliban sa Supreme Court.

Sa sirkular na inisyu ni Court Administrator Jose Midas Marquez, patuloy na mag-o-operate online ang mga NCR courts at magsasagawa lamang ng videoconferencing hearings sa mga urgent na kaso o insidente habang MECQ.

Sakop ng kautusan ang Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals at mga trial courts sa NCR.

Ang mga nasabing korte ay maaaring ma-contact sa pamamagitan ng kanilang official hotlines at email addresses na makikita sa Supreme Court website.

Suspendido rin ang filing at service ng pleadings at motions sa mga korte sa panahon ng MECQ.

Gayunman, obligadong magtalaga ng skeleton staff sa mga essential judicial offices para tumugon sa urgent matters at concerns.

Moira Encina

Please follow and like us: