Mga kawani ng Lucena LGU, pinalabas ng kanilang tanggapan dahil sa lindol

Pinalabas sa kani-kanilang opisina ang mga kawani ng Lucena City Government matapos maramdaman ang malakas na lindol.

Batay sa report ng Lucena Disaster Risk Reduction and Management Office, maayos na lumabas ang mga kawani sa kanilang mga opisina matapos maramdaman ang malakas na lindol.

Wala namang napaulat na nasaktan sa lindol subalit inaalam pa kung may nasira bang imprastraktura sa lungsod.

Nauna nang inihayag ng PHIVOLCS na asahan na makakaranas ng aftershocks matapos ang magnitude 7.0 na lindol na naitala sa Tayum, Abra.

Allan LLaneta

Please follow and like us: