Mga korte sa Alert Level 1 areas, fully operational na muli

Balik na muli sa 100% ang working site capacity sa mga korte na nasa ilalim ng Alert Level 1.

Noong Hulyo ay nilimitahan ng Korte Supremasa ang mga on site personnel sa mga hukuman sa Alert Level 1 areas bunsod ng pagtaas muli ng kaso ng COVID-19.

Pero sa pinakahuling sirkular mula sa Office of the Court Administrator ay fully operational na muli ang mga nasabing korte at judicial offices mula Agosto 1.

Ibig sabihin ay full on site na rin na kailangan na pumasok ang mga court personnel.

Para naman sa mga nasa Alert Level 2 areas, pisikal na bukas ang mga korte pero limitado sa 80% ang mga empleyado.

Samantala, nilinaw ng Supreme Court na hindi na pinapayagan ang fully remote videoconferencing hearings maliban kung otorisahin nito.

Prayoridad ang pagsasagawa ng in-court o face- to- face hearings.

Magpapatuloy ang videoconferencing hearings basta ito ay may pahintulot mula sa SC.

Moira Encina

Please follow and like us: