Mga korte sa Maynila, wala ring pasok sa Hunyo 29-30

Suspendido ang pasok sa lahat ng first at second-level courts sa lungsod ng Maynila mula Hunyo 29 hanggang Hunyo 30.

Sinuspinde ng Office of the Court Administrator ang pasok sa mga nasabing hukuman sa Maynila dahil sa inagurasyon ni President- elect Bongbong Marcos Jr. sa June 30.

Sa sirkular ng OCA, sinabi na apektado ng mga ipatutupad na road closures at traffic rerouting sa lungsod ang lahat ng mga daan patungo sa mga korte.

Dahil sa mahihirapan ang mga kawani ng hukuman sa kanilang pagbiyahe, nagpasiya ang OCA na ideklara ang work suspension sa mga korte.

Una na ring nag-anunsiyo ang Korte Suprema at Court of Appeals ng suspensiyon sa trabaho sa Miyerkules at Huwebes bunsod ng inagurasyon.

Moira Encina

Please follow and like us: