Mga korte sa NCR, pisikal na sarado pa rin sa ilalim ng GCQ Alert Level 4

Mananatiling pisikal na sarado ang mga hukuman sa Metro Manila simula sa Setyembre 16.

Ito ay kahit mula sa MECQ ay isasailalim na sa GCQ Alert Level 4 ang NCR simula sa Huwebes.

Sa memorandum circular na pirmado ni Chief Justice Alexander Gesmundo, sinabi na magpapatuloy ang online na operasyon ng mga hukuman at ang pagsasagawa ng videoconferencing hearings sa lahat ng mga kaso urgent man on hindi.

Layon nito na hindi maantala ang paglilitis ng mga kaso at court processes.

Maaari naman na ma-contact ang mga korte sa kanilang email addresses at hotlines na makikita sa website ng Supreme Court.

Gayunman, ang mga essential judicial offices ay mayroon dapat nakatalagang skeleton staff.

Kaugnay nito, suspendido pa rin ang paghahain at service ng mga pleadings at mosyon at magri-resume lamang ito pitong araw matapos ang unang araw ng physical re-opening ng korte.

Pinalawig din ng Korte Suprema ang pagpapatupad ng “no personal filing policy” sa mga hukuman sa NCR.

Moira Encina

Please follow and like us: