Mga LGU, hinimok na magbahay-bahay para bakunahan ang mga Senior Citizen

Hinimok ni Senador Christopher “Bong” Go ang mga lokal na pamahalaan na magbahay-bahay para personal na ihatid at iturok ang mga bakuna sa mga Senior Citizen.

Ayon kay Go kahit kabilang sila sa prayoridad na mabakunahan, marami sa mga nakatatanda ang hindi makalabas ng bahaypara makapagpa-bakuna.

Sinabi ng Senador na base sa nakuha niyang datos, aabot sa mahigit 18 milyong ang Senior Citizen pero halos kalahati pa nito ang hindi pa nababakunahan.

Masyado rin aniyang malaki ang backlog sa mga hindi pa nababakunahan sa A1 hanggang A3 category.

Iginiit ng Senador na dapat gumawa ng paraan ang mga LGU na mahimok ang mga Senior Citizen na magpabakuna.

Senador Go:
Ang panawagan ko po sa mga LGU na suyurin po. Kasi ‘yung mga senior citizen natin hindi nakakalabas, takot pong lumabas, takot mag-travel po papunta sa vaccination center. Dapat po, pwede bang maaari ibahay-bahay n’yo na po, puntahan ng LGUs ‘yung pamamahay ng mga senior citizens na gustong magpabakuna”.

Meanne Corvera

Please follow and like us: