Mga mag-aaral sa Taiwan, balik paaralan na

Balik na sa paaralan ang mga mag-aaral sa Taiwan.

Ito ay sa harap ng panibagong COVID-19 surge at tumataas na local covid infections.

Kaugnay nito, nababahala ang ilan mga magulang dahil hindi pa bakunado ang kanilang mga anak.

Gayunman, umaasa umano silang magiging maayos na ang sitwasyon ng pandemya.

Tiniyak naman ng Mayor ng New Taipei city na karamihan sa mga guro ay bakunado na.

Patuloy din aniyang isasailalim sa regular COVID test ang lahat para matiyak na ligtas ang mga paaralan sa virus infections.

Please follow and like us: