Mga manggagawang naisailalim sa swab testing sa Maynila mahigit 12,000 na

Photo from : Manila Public Information Office 

Umabot na sa 12,499 market vendors, driver ng pampublikong sasakyan at mall workers ang naisailalim sa nagpapatuloy na libreng COVID-19 test sa Maynila.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, tuloy-tuloy ang libreng swab test lalo’t malapit na ang holiday season.

Photo from : Manila Public Information Office 

Giit ng alkalde, mahalagang maisalang sa COVID-19 test ang mga manggagawa lalo’t mas maraming tao ang kanilang makakaharap.

Layon aniya nito na maprotektahan ang mga mamimili.

At mabigyan naman ng kapanatagan ang mga manggagawa na sila ay COVID-19 free habang sila ay nagta-trabaho.

Madz Moratillo

Please follow and like us: