Mga nasa edad 15 hanggang 17 at 65 pataas pwedeng lumabas ng bahay para magparehistro sa Philippine National ID system

Maaari ng lumabas ang mga nasa edad 15 hanggang 17 at 65 pataas.

Pero ito ayon kay Health Usec Ma Rosario Vergeire ay para magparehistro sa Philippine National ID system.

.Ang mga menor de edad at matatanda ay pinagbabawalan munang lumabas ng bahay at magtungo sa matataong lugar dahil sa patuloy pang banta ng COVID-19.

Paalala naman ni Vergeire sa kanila, sa paglabas ng bahay ay tiyaking may suot na face mask at shield.

Sa mga registration area naman ay tiyaking susunod sa health protocols kontra COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: