Mga nasa priority lists sa makati naturukan na ng Sputnik V

Umarangkada na rin ang pagtuturok COVID vaccine na Sputnik V sa mga nasa priority list sa Makati City.

Kabilang sa mga tinurukan ang ilang mga medical frontliners, mga senior citizens at may comorbidity na ginawa sa makati coliseum.

Tatlong libong Sputnik V ang ibinigay sa makati pero walong daan ang target mabakunahan ngayong araw.

Unang naturukan ng bakuna ang isang mishuko shiketaka 73 gulang Sa kasagsagan ng pagbabakuna, isang medical frontliner ang umatras sa Sputnik V dahil mas gusto nya raw ang Sinovac.

Ayon sa Makati Health Department hindi naman nila pinipilit ang mga magpapabakuna.

Sa ngayon ay umabot na sa tatlumput limang libo ang nabakunahan sa may isandaang libong nagparehistro sa Makati.

Meanne Corvera

Please follow and like us: