Mga opisyal at tauhan ng Bucor, sumailalim sa surprise drug test

Nagsagawa ng surprise drug testing sa mga opisyal at tauhan ng Bureau of Corrections sa National headquarters nito sa New Bilibid Prisons.

Kabilang sa sumailalim sa drug test ay si Bucor Director General Gerald Bantag.

Kabuuang 200 uniformed at non-uniformed personnel ng Bucor ang sumailalim din sa mandatory drug test.

Ang BuCor Health Services ang nagsagawa ng drug test katuwang ang  NCRPO Crime Laboratory.

Ayon sa BuCor, ito ay alinsunod sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na nagaatas sa pagsasagawa ng random drug testing sa mga kawani ng  mga pampubliko at pribadong tanggapan.

Tiniyak ng pamunuan ng BuCor na patuloy itong magsasagawa ng random drug testing bilang bahagi ng pinaigting nilang internal cleansing sa kawanihan.

Moira Encina

Please follow and like us: