Mga Opisyal ng SK sa Brgy. Poblacion 3, Gen. Emilio Aguinaldo-Bailen, Cavite mamamahagi ng mga prepaid wifi kits para sa mga estudyante

Mamamahagi ang mga opisyal ng SK Poblacion 3 ng Gen. Emilio Aguinaldo Bailen ng mga prepaid wifi kits para sa mga estudyante na kanilang nasasakupan. 

Ang mga naturang prepaid wifi kits ay magagamit ng mga estudyante sa kanilang lugar na naapektuhan ang ang pag-aaral dahil sa Covid 19 pandemic, at gumagamit ng online learning approach.

photo credt: SK Poblacion 3, G.E.A, Cavite


Ang mga prepaid wifi na ipamamahagi ay inilaan muna ng mga opisyal para sa mga kabataang higit na nangangailangan lalo na ang mga nasa kolehiyo at walang stable na internet connection na magagamit sa kanilang pag-aaral sa kani-kanilang mga tahanan. 

Please follow and like us: