Mga pasahero ng MRT, naperwisyo na naman

Maagang nakaranas ng aberya ang mga pasahero ng Metro Rail Transit.
Sa abiso ng MRT , itinaas ang cetagory 2 sa status ng tren.
Ito ay makaraang makaranas ng technical problem ang isa nilang tren dahilan para pababain ang mga pasahero sa Magallanes station Southbound.
Naganap ang aberya alas 6:22 ng umaga.
Pinasakay naman sa kasunod na tren ang mga apektadong pasahero.
Bagaman rush hour, hindi naman ito gaanong nagdulot ng perwisyo dahil kakaunti lamang ang pasahero ngayong araw, dahil holiday.