Mga Pinoy sa Ukraine dapat agad na ilikas – Senador Marcos

Hinimok ni Senador Imee Marcos ang Department of Foreign Affairs na agad ilikas ang mga Pinoy sa Ukraine.

Sinabi ni Marcos na mas nanganganib ang ating mga kababayan ngayong nagdesisyon ang European Union na suplayan ng matinding armas ang mga sundalo ng Ukraine.

Kailangan aniyang kumilos ang gobyerno at tingnan rin ang sitwasyon ng mga manggagawang Pinoy sakaling mag escalate ang tensyon.

Nakikiisa si Marcos sa mga panawagang itigil na ang bakbakan sa halip ay magtulak ng peace talks hindi lang sa pagitan ng Russia at Ukraine kundi sa mga bansa sa buong mundo.

Meanne Corvera

Please follow and like us: