Mga Pinoy na magmumula sa mga bansang kabilang sa Red list, papapasukin pa rin sa Pilipinas

Papapayagan pa ring makapasok sa bansa ang mga kababayan nating magmumula sa mga bansang nasa Red list alert dahil sa Omicron variant.

Sinabi ni Bureau of Immigration spokesperson Dana Sandoval na ito ay sa pamamagitan ng repatriation flights na pinangungunahan ng gobyerno, mga pribadong sektor o Bayanihan initiative.

Kailangan lamang makipag-ugnayan ang mga ito sa Philippine Embassy o Consulate upang matulungan silang makapag-book ng special flight pabalik ng bansa.

Kabilang sa mga bansa nasa Red list ay ang South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini, Mozambique, Austria, Czech Republic, Hungary, Netherlands, Switzerland, Belgium at Italy.

Please follow and like us: