Mga residente ng Maynila na gustong magpabakuna kontra COVID- 19 mahigit 97,000 na

Kasabay ng unti unti ng pagdating ng mga COVID- 19 vaccines sa bansa,

Patuloy ring tumataas ang bilang ng mga residente ng Maynila na nagpahayag ng pagnanais na makatanggap ng bakuna.

Batay sa pinakahuling datos, nasa 97,880 na ang nagpapre -register sa manilacovid19vaccine.com na pre registration website na inilunsad ng Manila LGU para makita kung gaano karami ang residenteng magpabakuna.

Ang mga nagpa pre-register ay bibigyan ng QR code na syang ipiprisinta sa panahon ng vaccination activity upang maging mas madali ang proseso.

Sa oras na matapos ang mga nasa listahan ng prayoridad na mabigyan ng bakuna ng gobyerno ay sila naman ang isusunod na magiging prayoridad ng Manila LGU na mabakunahan.

Madz Moratillo

Please follow and like us: