Mga residente ng Maynila na nais magpabakuna kontra covid 19 mahigit 88,000 na

Umabot na sa mahigit 88,000 ang mga residente ng Maynila na nagsabing nais nilang magpabakuna kontra COVID-19.

Para sa mga nais magparehistro maaaring magtungo sa www.manilacovid19vaccine.com.

Ang mga pre registered ay binibigyan ng QR code na sya namang ipapakita sa registration booth sa panahon ng vaccination program.

Una rito, sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na 18 vaccination sites ang kanilang ilalagay sa buong lungsod sa oras na magsimula na ang pagbabakuna.

Nasa 1 libong indibidwal ang kanilang target mabakunahan kada araw.

Bilang paghahanda naman, nagsasagawa ang Manila LGU ng mga simulation exercise para makita ang mga posibleng maging problema sa oras na simulan na ang programa.

Madz Moratillo

Please follow and like us: