Mga residente ng San Juan city, pinag-iingat sa kumakalat na mga pekeng schedule ng pagbabakuna

Nagbabala ang San Juan City sa mga nagpapakalat ng text messages tungkol sa pagbabakuna.

Ito may matapos ang napaulat na may nagpapadala ng text messages sa ilang residente ng lungsod para sa schedule ng kanilang bakuna.

Ayon sa lokal na pamahalaan, tanging official confirmatory text lamang mula sa City Government ang dapat paniwalaan.

Samantala, dismayado din ang San Juan LGU sa mga namemeke na may sunog sa isang partikular na lugar.

Ayon sa Bureau of Fire Protection ng lunsod, may tumawag sa kanilang hotline at sinabing may sunog sa F. Manalo st.

Kaagad umanong nagtungo ang mga pamatay-sunog ngunit wala namang ganoong insidente.

Ken Mesina

Please follow and like us: