Mga San Juaneño na nagparehistro para sa libreng bakuna kontra COVID-19, mahigit 17,000 na

Aabot na sa mahigit 17,000 na San Juaneño ang nagparehistro para sa libreng bakuna laban sa COVID-19.

Sinabi ni Mayor Francis Zamora na nasa 17,034 na residente ng lungsod ang nagpalista para sa COVID-19 vaccination program.

Tiniyak ng alkalde na patuloy ang city government sa pagsasagawa ng mga trainings at simulation para lubos na maging handa sila sa oras na dumating na ang mga biniling bakuna.

Puspusan din anya ang kanilang information campaign sa mga taga- San Juan ukol sa COVID vaccination.

Samantala, sa pinakahuling datos mayroon na lamang 41 aktibong kaso ng COVID sa San Juan.

Moira Encina


Please follow and like us: