Mga Senador iginiit na magbigay na ng ayuda sa mga PUV driver

Hinimok ni Senate President at Vice Presidential candidate Vicente Sotto III ang Malacañang na paspasan ang pagbibigay ng ayuda sa mga driver ng mga Public Utility Vehicle.

Dulot ito ng serye ng oil price increase na umabot na sa ikaapat na beses ngayong buwan.

Ayon kay Sotto, may pondo naman ang gobyerno na maaring pagkunan ng DOLE out.

Kailangan aniyang tulungan ng gobyerno ang transport sector para hindi tamaan ang milyon milyong mga commuter.

Kung hindi kasi mabibigyan ng ayuda maaring ipursige ng ibat ibang grupo ng Public transportation ang fare hike na makakaapekto sa mga mananakay.

Meanne Corvera

Please follow and like us: