Mga senador nagpaabot ng pagbati sa atletang si Nesthy Petecio

Nakikisa ang mga Senador sa pagbati sa atletang si Nesthy Petecio na nakasungkit ng silver medal sa tokyo olympics sa Women’s Featherweight boxing.

Sinabi ni Senador Bong Go na Chairman ng Senate committee on sports, humanga siya kay Petecio na isang kapwa nya dabawenyo sa ipinakita nitong gilas at tapang sa loob ng boxing ring.

Isa aniya itong inspirasyon lalo na sa mga kabataan na nagpakita ng determinasyon para makamit ang kaniyang tagumpay.

Naniniwala naman si Senador Ping Lacson na dapat magdiwang ang Pilipinas sa kabila ng nararanasang problema sa pandemya.

Isang malaking karangalan aniya ang ibinigay ni Petecio at ng iba pang atleta na nakasungkit ng matagal nang inaasam medalya.

Nauna nang nagpasa ng mga resolusyon ang Senado para parangalan ang weightlifter na si Hidilyn Diaz at iba pang atletang pinoy na lumaban sa tokyo olympics.

Meanne Corvera

Please follow and like us: