Mga senador umalma sa pahayag ng Pangulo na mala martial law na pagpapakulong kay Lincon Ong

Umalma ang mga Senador sa pahayag ng Pangulo na tila mala Martial law ang ginawang pagpapakulong ng Senado sa isa sa resource person sa kanilang imbestigasyon.

Ayon kay Senate president Vicente Sotto, masyadong malisyoso ang pahayag ng pangulo para kay Senador Ping Lacson.

Dapat aniya ay alam ng Pangulo ang constitutional power ng kongreso.

May karapatan aniya silang i-contempt ang sinumang resource person na nagtatago ng katotohanan.

Si Ong ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Senado kung saan tinanggalan na rin ng anumang communication gadgets at itinuturing na itong isang detainee.

Itoý dahil sa pagtangging makipagtulungan para mapapanagot ang nasa likod ng maanomalyang transaksyon sa pagbili ng mga medical supply ng procurement service ng DBM.

Meanne Corvera

Please follow and like us: