Mga tauhan ng PPA, biyaheng Bicol din para maghatid ng tulong sa mga sinalanta ng Bagyong Rolly

Tumulak na patungong Bicol ang ilang opisyal at tauhan ng Philippine Ports Authority (PPA) upang magdala ng relief assistance tulong sa mga kababayan nating naapektuhan ng Bagyong Rolly.

Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, kahapon ay dumating na sa Tabaco, Albay ang ilang tauhan nila para magdala ng tulong.

Dala- dala nila ang mga inuming tubig, de-lata, at iba pang relief supplies.

Matapos personal makita ang sitwasyon sa mga sinalanta ng bagyo, tiniyak ni Santiago na muling mangangalap ng dagdag na tulong ang PPA para sa mga residente.

Kasabay ng paghahatid ng relief supplies ang pagsasagawa ng inspeksyon sa mga pasilidad nila na tinamaan ng bagyo.

Ayon kay Santiago, operational naman ang mga pantalan at iba pang pasilidad sa nasabing lugar.

Madz Moratillo

Please follow and like us: