Mga umuwing OFW dahil sa epekto ng Covid-19 Pandemic, mahigit na sa 970,000

Umabot na sa 972,429 returning Overseas Filipinos ang umuwi sa bansa dahil sa epekto ng Covid-19 Pandemic.

Sa datos ng Department of Health (DOH), 14,284 ang nagpositibo sa Covid-19 habang ang iba ay nakauwi na sa kanilang bahay at nakatapos na ng quarantine.

Sa bilang na ito 8,975 ang land based habang 5,309 ang sea based.

Sa mga ito, may 328 pa ang naka-admit habang may 13,844 naman ang nakarekober na.

May anim naman rito ang nasawi dahil virus.

Madz Moratillo

Please follow and like us: