Milwaukee bucks, nakuha ang NBA championship title matapos ang 50 taon

Matapos ang limampung taon , nakuha na rin ng Milwaukee bucks ang kampeonato sa National Basketball Association.

Pinangunahan ni Giannis Antetokounmpo ang panalo ng Bucks kontra Phoenix Suns.

Nakapagtala si Antetokounmpo ng 50 points, 14 rebounds at 5 blocked shots para makuha ng bucks ang 4-2 triumph sa kanilang best-of-seven championship series laban sa Suns.

Ang bente sais anyos na greek forward ang itinanghal na NBA most valuable player noong 2019 at 2020.

Ngayong taon napili si Antetokounmpo bilang NBA defensive player of the year.

Agence France- Presse

Please follow and like us: