MMDA Chair Benhur Abalos at Mayor Menchie Abalos, dumulog na sa NBI para tugisin ang mga nasa likod ng umano’y “vaccine slot for sale”

Dumulog na sa National Bureau of Investigation (NBI)-Cybercrime Division sina Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benjamin Abalos Jr., at Mandaluyong city Mayor Menchie Abalos para papanagutin ang mga nasa likod ng umano’y bentahan at pagbibigay ng slot para sa Covid-19 vaccine.

Sinabi ni Abalos na dapat mananagot sa batas ang mga nanloloko ng kapwa.

Mayroon na aniya silang lead sa mga posibleng sangkot na maaaring makasuhan ng Estafa, Bribery at paglabag sa Bayanihan Law.

Paalala naman ng opisyal hindi lamang mga nag-aalok o nagnanakaw ng bakuna ang maaaring makasuhan kundi ang mga bumibili nito.

Apila ni Abalos sa publiko, ipagbigay-alam agad sa mga alkalde o mga local government officials ang mga ganitong kaso para agad na maaksyunan.

Meanne Corvera

Please follow and like us: