MMDA nagkaloob ng libreng sakay

Nagbigay ang MMDA ng libreng sakay para sa mga commuters na naapektuhan ng kilos protesta ng piston.

Labing isang van, anim na bus at tatlong military trucks ang ipinakalat ng MMDA para maghatid ng mga pasaherong walang masakyan.

Iikot aniya ang mga sasakyan sa Metro manila para maghatid sa Edsa carousel o mga bus station ng mga pasaherong walang masasakyan.

Sinabi ni MMDA Chairman Romando Artes na operational rin ang mga ferry sa pasig river na maaring gawing alternatibong transportasyon.

Nagpakalat na rin ang MMDA ng mga traffic enforcers para tumulong rin sa pagmamando ng traffic.

Meanne Corvera

Please follow and like us: