Mobile Blood Donation, isinagawa ng Phil. Red Cross sa Santa Rosa, Laguna

Masiglang nakipag-kaisa ang ilan sa mga mamamayan ng Santa Rosa, Laguna sa isinagawang Mobile Blood Donation ng Phil. Red Cross (PRC).

Bago isagawa ang donation drive ay dumaan muna sa interview ang mga nais mag-donate, at tiningnan din kanilang mga vital sign upang masuri kung sila’y kwalipikado para sa pag-dodonate ng dugo.

Sa kabuuan ay mayroong 89 katao na nag-donate ng dugo, at ang mga nalikom na dugo ay gagamitin naman ng PRC sa panahon ng pangangailangan.

Pinasalamatan naman ng PRC ang mga kusang loob na nag-donate ng kanilang dugo, sa aktibidad na ginawa sa Santa Rosa, Laguna Diamonds 102 Lion’s Club at sa Victory Mall.

Patuloy namang hinikayat ng PRC ang publiko na mag-donate ng dugo at himukin din ang kanilang mga kamag-anak o kaibigan, upang mas marami pang taong nangangailangan ng dugo ang matulungan.

Ulat ni Louis John Reñon