Mobile blood donation muling isinagawa sa Sta. Rosa, Laguna

Naging matagumpay ang muling pagsasagawa ng mobile blood donation na pinangunahan ng I Love Sta. Rosa Foundation, na ginanap sa Victory Mall sa Sta. Rosa, Laguna katuwang ang Philippine Red Cross.

Sa isinagawang aktibidad ay nakalikom ng higit 91 bag ng dugo, kung saan kasama sa nag-donate ay si Mayor Arnel Gomez.

Kabilang din sa lumahok sa aktibidad ang Sta.Rosa Diamonds 102 Lions Club at ang mga tauhan mula sa tanggapan ng bise alkalde.

Layunin ng nasabing aktibidad na makatulong sa mga pasyente na mangangailangan ng dugo, dahil ayon sa foundation ay marami ang lumalapit sa kanila para humingi ng dugo.

Hindi lamang mga taga Sta. Rosa ang maaaring matulungan kundi maging ang mga karatig bayan, dahil ang ilan sa naipong bag ng dugo ay dadalhin sa blood bank sa Sta. Cruz, Laguna.

Pinasalamatan naman ng mga kinauukulan ang Victory Mall Sta. Rosa at ang Gardenia, sa pagkakaloob ng libreng raisin bread sa mga blood donor.

Ulat ni Louis John Reñon

Please follow and like us: