Morey ng 76ers, pinagmulta ng NBA dahil sa isang tweet

NEW YORK, United States (AFP) – Pinagmulta ng NBA ang presidente ng basketball operations ng Philadelphia 76ers na si Daryl Morey, ng $50,000 (40, 961 euro), para sa paglabag sa anti-tampering rule ng liga.

Ang penalty ay ipinataw kaugnay ng na-delet nang social media post ni Morey noong December 20, kaugnay ng Houston Rockets star na si James Harden, ang top scorer ng NBA sa nakalipas na tatlong season.

Sinabi noon ni Harden na nais niyang malipat ng koponan mula sa Rockets, at isa sa binanggit niyang teams kung saan siya nagpahiwatig na tatanggap ng alok ay ang 76ers.

Alam na alam ni Morey ang kakayahan ni Harden. Si Morey ay nagsilbing general manager ng Rockets mula 2007 hanggang sa humiwalay siya rito nitong nakalipas na Oktubre para sumama sa 76ers nitong Nobyembre.

Noong October 2019, nagpadala ng tweets si Morey na sumusuporta sa mga protesta sa Hong Kong, na nagbunsod para itigil ng China ang NBA television coverage sa loob ng isang taon, at ng pagkaputol ng sponsorship ties at iba pang mga kasunduan.

Ang 76ers ay mayroon nang 2-1 start sa 2020-21 campaign, habang nawala naman ang tyansa ng Rockets sa kanilang opener matapos maantala ang isang game, dahil nabigo silang makapagproduce ng minimum eight players.

Maraming manlalaro ang wala dahil sa isyu ng COVID-19, kabilang na si Harden na kailangang ma-isolate at sumailalim sa covid testing, matapos niyang dumalo sa isang party na paglabag naman sa safety protocols ng NBA.

© Agence France-Presse

Please follow and like us: