Motorcycle firm na “Angkas” binigyan na ng Provisional Authority to Operate

Mabibigyan na ng Provisional Authority to Operate ang motorcycle ride-hailing firm na Angkas, sa ilalim ng extended Motorcycle Taxi Pilot Program.

Epektibo ang Provisional Authority ngayong araw, November 24 hanggang December 9, 2020.

Pero, kailangan munang kumpletuhin ng Angkas ang operational requirements na ipinatupad ng National Task Force (NTF) at ng MC Taxi TWG.

Kabilang dito ang probisyon ng insurance para sa rider at pasahero sakaling magkaroon ng aksidente, paggamit ng thermal scanners para ma-detect kung may lagnat ang pasahero, at iba pa.

Oras naman na makumpleto ng Angkas ang lahat ng mga hinihinging requirements, ay naglalabas na ang MC Taxi TWG ng Certificate of Compliance sa kumpanya para sila ay makapamasada na. 

Jet Hilario

Please follow and like us: