MPD mas palalakasin pa ang police visibility sa lungsod

Inilunsad ng Manila Police District ang SAFE o Seen Appreciated Felt and Extraordinary program.

Bahagi ito ng inisyatiba ng MPD para palakasin ang presensya ng mga pulis sa lungsod at maging panatag ang ating mga kababayan sa kanilang seguridad.

Kasabay nito, ipinakita rin ng MPD ang kanilang assets na ginagamit sa pagpapatrulya at pagmintina ng seguridad at katahimikan sa Maynila.

Pinangunahan ni Manila Mayor Honey Lacuna ang aktibidad.

Ayon kay Lacuna, umaasa siya na magiging mas maayos ang ugnayan at pagtutulungan ng pulisya at lokal na pamahalaan.

Si MPD Chief Brigadier General Andre Dizon naman ay nagpasalamat sa suporta ng lokal na pamahalaan sa kanila.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us: