MRT 3 , naglabas ng listahan para sa mga pasaherong hindi kasama sa No Vaccine , No Ride policy

Naglabas ng listahan ang MRT 3 ng mga pasaherong hindi kasama sa No Vaccine , No Ride policy.

Sa harap ito ng mga reklamo at umano’y panghaharang sa mga pasahero sa mga istasyonng tren kahit pa may medical condition.

Ayon sa pamunuan ng MRT 3, kasama sa listahan ang mga pasaherong papasok sa trabaho

– mga pasaherong may medical condition kung kaya’t hindi makapagpabakuna

– mga pasaherong kukuha o maghahatid ng essential goods and services, tulad ng pagkain, gamot, tubig, medical devices, public utilities, enerhiya, at medical and dental necessities

– mga pasaherong nakai-schedule magpabakuna

Pero bago sumakay ng tren inoobliga silang magpakita ng

– Certificate of Employment

– Company ID

– Medical appointment

– Health pass mula sa barangay

– Vaccination schedule

Meanne Corvera

Please follow and like us: