Mudslides sa Japan, 19 katao nawawala, 10 bahay nawasak

Nasa sampung kabahayan at ibat iba pang mga ari-arian ang nawasak matapos rumagasa ang tubig na may kasamang putik sa isang bahagi ng  Atami, Shizuoka Prefecture sa Japan bandang 10:30AM ngayong Sabado.

Habang isinusulat ang balita ito ay nasa 19 katao pa na apektado ng mudslide sa lugar ang hindi pa natatagpuan. Nasa 200 kabahayan rin ang nawalan ng kuryente matapos pabagsakin ng mudslide ang power lines.

Nangyari ang sakuna kasabay ng malalakas na mga pag-ulan na naranasan sa Tokyo metropolitan area at sa Tokai region sa central Japan.

Please follow and like us: