Nadal, maglalaro sa professional golf tournament sa Mallorca

Maglalaro sa Balearic Championship sa Mallorca, sa Sabado ang tennis star na si Rafael Nadal.

Sinabi ni Diario de Mallorca, na si Nadal ay isang mahusay na golfer at makakasama siya sa talaan ng 60 mga manlalaro para sa torneo, na kinabibilangan ng 23 professionals at 37 amateurs.

Hindi ito ang unang pagkakataong sumabak si Nadal sa golf, dahil noon lamang nakalipas na weekend ay nagtapos ito sa pangalawang pwesto, sa V Test Circuit Hexagonal – Autovidal sa Calvia, na nasa isla ng Balearic sa Espanya.

Samantala, nakuha ng 34-anyos na Spanish player ang ika-13 niyang French Open title sa unang bahagi ng buwang ito, matapos talunin si Novak Djokovic.

Dahil dito, kagaya ni Roger Federer, si Nadal ngayon ay mayroon na ring 20 Grand Slam titles.

© Agence France-Presse