Nadal wagi sa first match sa Acapulco opener

Spain’s Rafael Nadal celebrates after defeating US Denis Kudla during the Mexivo ATP Open 500 men’s round of 32 singles tennis match at the Arena GNP, in Acapulco, Mexico, on February 22, 2022.
Pedro Pardo / AFP

Naging matagumpay ang pagbabalik ni Rafael Nadal sa ATP Tour ngayong Martes (Miyerkoles sa Maynila), matapos mapanalunan ang una niyang tournament match para makapasok sa second round ng Mexican Open, mula nang mapagwagian ang Australian Open title.

Tinalo ng 35-anyos na kaliweteng si Nadal ang US player na si Denis Kudla sa score na 6-3, 6-2 para makapasok sa 2nd round at makaharap ang isang pang Amerikano.

Napanalunan ni Nadal ang kaniyang men’s record 21st Grand Slam title noong Enero sa Australian Open, kung saan nabasag niya ang tie nilang tatlo ni Novak Djokovic at Roger Federer na tig-20 Slam titles.

Target ng Spanish player na si Nadal ang kaniyang 91st career ATP title at ikatlo sa taong ito, dahil nanalo na rin siya ng isang Slam tune-up tournament sa Melbourne.

Samantala, ang Russian top seed na si Daniil Medvedev na kasalukuyang US Open champion na tinalo ni Nadal sa Australian Open final, ay sinimulan din ang kaniyang Acapulco tour sa pamamagitan ng isang 6-3, 6-4 victory laban sa Frenchman na si Benoit Paire.

Please follow and like us: