Naitalang bagong kaso ng COVID-19, bahagyang tumaas sa 1,745 ngayong araw

Bahagyang tumaas ang naitalang bagong kaso ng COVID- 19 ngayong araw na nasa 1,745.

Dahil rito, ayon sa Department of Health, umabot na sa 3, 657, 342 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID- 19 na naitala sa bansa.

Ang aktibong kaso naman ng COVID-19 ay nasa 55,079.

May 2,045 namang naitalang bagong gumaling, kaya naman umabot na sa 3,546,098 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa.

Habang may 188 namang naiulat na nasawi kaya umabot na sa 56,165 ang kabuuang bilang ng nasawi sa bansa dahil sa COVID -19.

Ayon sa DOH, lahat ng laboratoryo ay operational noong Pebrero 22 at 3 naman ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 repository system.

Please follow and like us: