Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, bumaba pa sa 17,677 ngayong araw

Bumaba pa ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 na naitala ngayong araw na nasa 17,677.

Dahil rito , ayon sa Department of Health , umabot na sa 3,459,646 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 na naitala sa bansa.

Ang aktibong kaso naman ng COVID-19 sa bansa ngayon,nasa 247,451.

May 33,144 namang naitalang bagong gumaling , kaya naman umabot na sa 3,158,597 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19 dito sa bansa.

May 79 namang naiulat na nasawi, kaya umabot na sa 53,598 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Ayon sa DOH, lahat ng laboratoryo ay operational noong January 23, at 6 naman ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 repository system.

Please follow and like us: