Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa , bumaba sa 8,702

Nakapagtala ng 8,702 na bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health ngayong araw.

Ayon sa DOH, umabot na sa 3,585, 461 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID- 19 na naitala sa bansa.

Ang aktibong kaso naman ng COVID- 19 sa bansa ngayon, nasa 153,335.

May 15,290 namang naitalang bagong gumaling, kaya naman umabot na sa 3, 377 ,958 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID- 19 dito sa bansa.

May 71 namang naiulat na nasawi, kaya umabot na sa 54,168 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID- 19.

Ayon sa DOH, lahat ng laboratoryo ay operational noong February 1, at 5 naman ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID- 19 repository system.

Please follow and like us: