Napatay na Tanauan City Mayor Antonio Halili inihilira ni Pangulong Duterte sa mga Narco politicians na nadisgrasya dahil sa ilegal na droga

0
36460774_1963893786968753_4204471811087269888_n

Inihanay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Narco politicians na nadisgrasya dahil sa ilegal na droga si Tanauan City Mayor Antonio Halili na pinatay habang dumadalo ng regular flag raising ceremony sa harap ng city hall.

Sinabi ng pangulo na lumalabas na front lamang ni Mayor Halili ang kanyang shame campaign sa mga nahuhuling drug suspect.

Ayon sa pangulo nasa Narcolist si Mayor Halili dahil pinagsususpetsahan na sangkot din ito sa operasyon ng ilegal na droga.

Inihayag ng pangulo na kabilang na si Mayor Halili sa mga Narco politicians na nadisgrasya dahil sa pagsawsaw sa ilegal na droga tulad nina Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog, Albuera Leyte Mayor Ronaldo Espinosa at Iloilo City Mayor Patrick Jake Mabilog na hanggang ngayon ay nagtatago.

Niliwanag ng pangulo na wala siyang ideya kung sino ang pumatay kay Mayor Halili at kasalukuyan pang inbestigahan ng pulisya ang kaso.

Ulat ni Vic Somintac

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *